Fuel price rollback next week? Bahagyang ginhawa for drivers as diesel, gasolina may go down

Motorists may finally get a small break next week, with diesel seen dropping by as much as P3.40 per liter and gasoline by P1.00.

Fuel price rollback next week? Bahagyang ginhawa for drivers as diesel, gasolina may go down
Photo from GMA News

Pagkatapos ng sunod-sunod na malalaking taas-presyo sa mga gasolinahan, may konting good news na posibleng sumalubong sa mga motorista sa susunod na linggo. Ayon sa pagtataya batay sa Mean of Platts Singapore o MOPS, inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P3.40 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring bumaba ng humigit-kumulang P1.00 kada litro.

Ang posibleng rollback ay iniuugnay sa paglamig ng MOPS prices at premiums kasunod ng dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan ng United States at Iran. Ito ang unang malinaw na senyales ng ginhawa matapos ang mahigit isang buwang matitinding price hike na tumama sa budget ng mga commuter, delivery rider, at pamilyang araw-araw gumagamit ng sasakyan.

Gayunman, hindi pa final ang projection. Nilinaw sa ulat na maaari pang magbago ang galaw ng presyo depende sa resulta ng trading hanggang Biyernes, Abril 10. May nakita ring bahagyang rebound sa pinakahuling projections, kaya posible pang lumiit o mag-iba ang rollback bago ilabas ang opisyal na adjustment ng mga oil company.

Malaki ang naging epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa galaw ng pandaigdigang langis, lalo na dahil mahalagang ruta ang Strait of Hormuz para sa oil and gas supply. Sa gitna ng pansamantalang tigil-putukan, sinabi rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasamantalahin ng Pilipinas ang two-week window para mapalakas ang petroleum supply arrangements ng bansa habang umaasang hahaba pa ang ceasefire.

Para sa mga Pilipinong halos linggo-linggo nasasampal ng tumataas na pump prices, ang kahit maliit na rollback ay malaking bagay pa rin. Hindi man nito agad mababawi ang sunod-sunod na pagtaas nitong mga nakaraang linggo, puwede itong magbigay ng bahagyang ginhawa sa gastos sa biyahe at pang-araw-araw na kabuhayan.

Source: GMA News - Diesel rollback of P3.40, P1.00 for gasoline expected next week