Noong nakaraang taon ay nadiskaril ang paglalaro ni Thomas Robinson sa Philippine Basketball Association, injured siya bago pa nasimulan ang kampanya sa San Miguel Beer.
Balik si Robinson ngayon pero hindi na sa SMB kundi sa NLEX.
“It was something that I wanted to happen,” anang 32-year-old. “It didn’t have a chance to happen so I figured I’ll take it another shot.
Mainam ang resume ni Robinson. No. 5 pick siya ng Sacramento Kings noong 2012 National Basketball Association Draft.
Huli siyang naglaro sa Puerto Rico.
Pero 13 taon na ‘yun.
“I have expectations for myself that is very high that consists of winning big for my team,” salag ni Robinson. “I think trying to meet my own expectations which I’m sure that I hold myself at a high standard. If I can achieve those overall, it’s a good season.
Pamilyar na sa kanya si Rondae Hollis-Jefferson ng TNT.
Maliban sa NBA, nakatapat na rin niya si RHJ sa Puerto Rico.
“It’s like a career-long competitive versus me but I love that match-up,” wika ni Robinson. “He surely look forward to it too.”
(Vladi Eduarte)
The post Thomas Robinson matutuloy na dribol, pero ‘di na sa SMB first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Thomas Robinson matutuloy na dribol, pero ‘di na sa SMB