SJDM highly-urbanized status tinabla sa plebisito

Nangibabaw ang mga kontra na maging isang highly urbanized city ang San Jose del Monte, Bulacan sa isinagawang plebisito na sinabay sa eleksiyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan nitong Lunes, Oktubre 30.

Batay sa certificate of canvass of votes na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), may kabuuang 820,385 ang bumoto ng “no” sa conversion ng San Jose del Monte City habang 620,707 ang bumoto ng “yes”.

Sa 2,092,248 na rehistradong botante sa San Jose del Monte, nasa 1,608,004 lamang ang aktwal na bumoto, ayon sa datos ng Comelec.

Isinagawa ang plebisito alinsunod sa Proclamation No. 1057 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 4, 202 para sa conversion ng San Jose del Monte bilang highly urbanized city.

Nauna nang prinoklama ang San Jose del Monte bilang component city noong Setyembre 10, 2000 sa ilalim ng Republic Act No. 8797. (Carl Santiago)

The post SJDM highly-urbanized status tinabla sa plebisito first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   SJDM highly-urbanized status tinabla sa plebisito

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News