Patola! Solon balat-sibuyas, pumutak sa mga basher

Sino raw itong mambabatas na super patola sa mga basher online?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, inakusahan daw kasi itong mambabatas na kampi sa Estados Unidos nang batikusin nito ang China sa pambu-bully sa Pilipinas.

Agad na pumutak daw itong mambabatas sa social media at deny to death na love niya si Uncle Sam, bagkus ay pusong Pinoy daw siya.

Inakusahan pa niyang mga taksil sa bayan ang mga basher dahil halatang nagpapabayad sila sa China.

Mayroong kumampi sa banat ng mambabatas pero marami namang umokray sa kanya dahil parang umeepal lang daw ito sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon pa sa ilang Marites, hindi raw dapat pinapatulan ng mambabatas ang nasabing isyu bagkus ay ang problema ng mataas na presyo ng bilihin, pati na ang confidential fund ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Puro laway lang daw ang pinaiiral ng mambabatas pero pagdating sa kapakanan ng mga Noypi ay walang magawa. Inakusahan din ang mambabatas na Poncio Pilato dahil naghuhugas kamay ito sa mga kasalanan sa pagkampi sa banyagang bansa.

Clue: Ang mambabatas na patola sa mga basher online ay nanggaling sa kontrobersyal na pamilya at initials ang kanyang palayaw.

The post Patola! Solon balat-sibuyas, pumutak sa mga basher first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Patola! Solon balat-sibuyas, pumutak sa mga basher

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News

Petmalu sa BPTmgaLatvia

Binalandra ng tambalan bella Tina Graudina at Anastasija Samoilova ng Latvia sa katatagan sa kanilang pitong