Looks wise, talaga naman pang-leading man si Michael Sager. Mukhang malaki ang kakayahan niya na makilala. Mahigit isang taon na siya sa showbiz ngayon .
“I want to thank the Lord for all the opportunities and blessing and of course, I want to thank my management. Inalagaan nila ko from the very start. Cornerstone Entertainment and Mr. M (Johnny Manahan) and Sparkle. They’re guiding me here in showbiz,” lahad niya.
Si Michael ang bidang actor sa Pinoy adaptation ng hit K-drama na ‘Shining Inheritance.’ Maituturing na baguhan pa rin, pero masasabing marami siyang naungusan sa mga Kapuso male star dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng network.
Napi-feel ba niya na pang-leading man talaga ang career path na ginagawa ng Kapuso sa kanya?
“Yeah, it’s really nice, kung maging leading man, dream ko talaga ‘yon. And ang management po, inaalagaan talaga nila ‘ko and they’re guiding me kung ano ang magiging career ko in the next five years, ten years.”
Ang ‘Shining Inheritance’ ayon kay Michael ay ipinalangin daw niya talaga na sana ay makuha niya ang role.
Sey niya, “When I first heard about it, nag-screen test po ako with Kate (Valdez) and when I read the character, I fell in-love with it. Sabi ko, Lord… pinagdasal ko po talaga araw-araw. Gusto kong makuha…
“Pinanood ko ‘yung k-drama, sabi ko 1 episode lang, pero natapos ko buo, hanggang 27,” natawang lahad niya.
Isang malaking karangalan din daw kay Michael na ang madalas niya rin makaeksena ay ang actress na si Coney Reyes.
Masayang kuwento niya, “Sabi niya po, ang pogi ng apo ko rito. Kinikilig ako. She’s so warmth. At talagang ang bait-bait niya po.”
The post Michael kinilig kay Coney first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Michael kinilig kay Coney