Kathleen nawalan ng triplets na anak

Nawalan pala ng tatlong babies ang kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen.

Dati rin aktibo si Kathleen bilang isang actress. Pero ngayon, mas focus siya sa kanyang bagong marriage life at pagiging Youtuber.

Tuwang-tuwa si Kathleen at ang kanyang mister nang malaman nila na positive ang ginawa nilang pregnancy test . Kumbaga, magiging mommy at daddy na sila.

Masayang-masaya rin si Kristine para sa kapatid na nagbiro pa na, “Kaya pa pala parang bundat,” dahil buntis na nga.

At hindi rin nila inaakala na hindi lang isa ang ipinagbubuntis ni Kathleen, but three! Kaya triplets sana ang magiging anak nila. Pero sad to say nagkaroon ito ng miscarriage.

Documented lahat sa YouTube ni Kathleen ang mga pangyayari. Kaya ang daming netizen na mula sa masayang emosyon, nauwi sa lungkot at pagluha nang mapanood ang vlog niya.

May tatlong sacs, pero nang magpa-ultrasound sila, walang laman. Kaya wala rin heartbeat. Ang tawag daw rito ay blighted ovum. Sabi nga ni Kathleen, “We’re all excited with our triplets. You know, one is a blessing. Two is more than enough. And three, naniniwala ako is a miracle. Kasi, wala naman sa amin na merong triplets or twins sa genes or sa lines, wala naman.”

Pero sa kabila ng kalungkutan, mas pinipili raw nilang maging positibo na sabi nga niya sa kanyang Instagram caption, “God will make us pregnant again. With healthy both myself and triplets again. And he is no doubt capable of making it happen to you too.

“No time to waste sulking, fretting and in sorrow. Let’s not allow ourselves to go spiral down that way. We/I choose to be in a space full of hope and excitement.”

(Rose Garcia)

The post Kathleen nawalan ng triplets na anak first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Kathleen nawalan ng triplets na anak

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News