Umani ng parangal ang Iloilo City bilang kauna-unahan sa Pilipinas na itinalagang Creative City of Gastronomy ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco).
Inanunsiyo ito ng Unesco nitong Martes, Oktubre 31, kasabay ng pagdiriwang para sa World Cities Day.
Kabilang na ngayon ang Iloilo City sa 350 siyudad mula sa mahigit 100 bansa na nasa listahan ng Unesco Creative Cities Network (UCCN) para sa larangan ng crafts and folk arts, design, film, gastronomy, literature, media arts and music.
“New cities were acknowledged for their strong commitment to harnessing culture and creativity as part of their development strategies, and displaying innovative practices in human-centered urban planning,” ayon sa pahayag ng Unestco na inilabas ng pamahalaang lokal ng Iloilo City Martes ng gabi.
Nagpahayag naman ng kagalakan si Mayor Jerry Treñas sa pagkilala ng Unesco sa kanilang lungsod na lalo aniya magpapalakas sa kultura at pagkamalikhain ng mga Ilonggo.
“I share this award with the Ilonggos, like me, who love to cook our Ilonggo food. Now, we can be proud to say Ilonggo cuisine is taking the stage in the international gastronomy scene,” ayon sa alcalde.
Nauna nang ipinagmalaki ni Treñas ang masarap na pagkaing niluluto ng mga Ilonggo na isa sa mga pangunahing atraksyon ng lungsod dahil may mga recipe umano sila na wala sa ibang lugar.
Samantala, bukod sa Iloilo City, nauna nang itinalaga ng Unesco ang Baguio bilang Creative City para sa craft and folk art noong 2017 and ang Cebu para sa design noong 2019.
The post Iloilo City wow sa pagkain, binida ng Unesco first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Iloilo City wow sa pagkain, binida ng Unesco