Ibinunyag ng Land Transportation Office (LTO) na milyon-milyong motorsiklo umano sa Pilipinas ang hindi nakarehistro.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, maraming may may-ari ng motorsiklo ang nakakalimutang i-renew ang kanilang mga registration o nabigo na ilipat ang pagmamay-ari pagkatapos bilhin ito.
“Marami na `yang [8.5 million registered] pero mas higit pa diyan ang motorsiklo sa daan. Marami diyan hindi registered up to date.” sinabi nito sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo.
“Mahina ang doble [sa unregistered motorcycles], we are looking at 16-17 million. Concentration ay sa [National Capital Region], Region 3 and Region 4,” dagdag pa nito.
Binanggit ni Mendoza na noong 2003, mayroong 38 milyong 4-wheeled na sasakyan at motorsiklo sa kalsada ngunit 13.9 milyon lamang ang nakarehistro batay sa datos ng LTO. (Carl Santiago)META: Mismong LTO chief ang nagsabi na milyon-milyong motorsiklo umano sa Pilipinas ang hindi nakarehistro sa ahensiya.
The post Hala kayo LTO! Milyon-milyong motorsiklo `di rehistrado first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Hala kayo LTO! Milyon-milyong motorsiklo `di rehistrado