DSWD permit kailangan sa solicit pang-charity

Naglabas ng legal opinion ang Department of Justice (DOJ) kung saan inabisuhan nito ang mga ahensiya ng gobyerno na kailangan nilang kumuha ng permit mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makapag-solicit.

Ayon sa legal opinion ng DOJ nitong Oktubre 19, sumulat si Justice Undersecretary Raul Vasquez kay DSWD Secretary Rex Gatchalian at sinabing bilang alituntunin, ang mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC), mga state college at university at iba pang public office ay kailangan kumuha ng solicitation permit mula sa naturang departamento.

Nakasaad umano ang naturang requirement para sa DSWD permit sa Section 6.1.2 ng DSWD 2014 Revised Omnibus Rules and Regulations on Public Solicitation.

“Any applicant person, corporation, organization or association or any other juridical entity, including but not limited to National Government Agencies (NGAs), Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), state colleges/universities (SUCs) and other government agencies… that are desiring to solicit or receive contributions from the public for charitable public welfare purposes shall first secure an authority to solicit and submit all requirements to the concerned DSWD Office,” based on the rules.

Hiningi ni Gatchalian ang opinyon ng DOJ ukol sa naturang polisiya dahil sa paniwalang hindi na umano kailangan pang kumuha ng permit ang mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng presidential decree.

Samantala, nilinaw naman ni Vasquez na hindi kasama sa pagkuha ng solicitation permit sa DSWD ang mga lokal na pamahalaan dahil sa ilalim ng Local Government Code of 1991 ay pinapayagan ang mga city o municipal mayor na mag-isyu ng permit na hindi na kailangan pang dumaan sa alinmang national agency para sa charitable o welfare purpose.

The post DSWD permit kailangan sa solicit pang-charity first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   DSWD permit kailangan sa solicit pang-charity

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News

Petmalu sa BPTmgaLatvia

Binalandra ng tambalan bella Tina Graudina at Anastasija Samoilova ng Latvia sa katatagan sa kanilang pitong