Sang – ayon si Department of the Interior and Local Government( DILG ) Secretary Benjamin Abalos Jr. na sampahan ng kaso ang mga gurong umatras sa kanilang duty sa katatapos lamang na halalan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan( SK ).
Sa isang forum ng Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, Nobyembre 1, tinanong ang kalihim kung sinusuportahan niya ang plano umano ng Commission on Elections ( Comelec ) na habulin ang mga guro na naging sanhi ng pagkaantala ng eleksiyon sa ilang lugar sa bansa matapos umatras sa kanilang mga tungkulin sa botohan.
” I support that. Bakit? Pinaghandaan’ hua. They were trained at pinaka – importante sa lahat ay’ yung mismong araw ng eleksyon. This is vote. This is the right to vote”, ayon kay Abalos.
Subalit nilinaw ng DILG chief na sinusuportahan lamang niya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga guro kung hindi katanggap – tanggap ang kanilang mga dahilan sa pag – back out.
” Unless, of course, kapag perhaps true purpose naman. Dapat din nating tingnan ang dahilan. Baka mamaya naman ay talagang’ yung lugar ay nakakatakot. Let me repeat, if for no reason in most ay ganyan ang ginawa, I am with Comelec head George Garcia, dapat lang na makasuhan. Gayunpaman, dapat nating tingnan ang dahilan. If there’s a valid explanation for backing out, then we understand”, paliwanag ni Abalos.
Nauna nang ibinunyag ng Comelec na mahigit 2, 500 guro ang umatras sa pagsisilbi sa eleksiyon nitong Lunes, Oktubre 30, dahil umano sa mga naranasang karahasan sa nagdaang halalan.
Bago pa man ang eleksiyon ay inanunsyo ng Comelec na mayroong mga guro na umatras maging political board member sa lalawigan ng Abra. Pero, nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi tinakot o pinag – withdraw ang nasa 29 guro na umatras bilang political committee member bagkus ay nag – back out umano dahil may koneksiyon sila sa mga kandidato. ( Dolly Cabreza )
The article DILG gigipitin mga guro na umatras sa eleksiyon first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: DILG gigipitin guro na umatras sa eleksiyon