Maraming beses na ring nakagawa ng horror movies ang magaling na Kapuso aktor na si Dennis Trillo.
Ilan sa mga pinagbidahan niya ay ang mga pelikulang ‘Pamahiin,’ ‘Mag-ingat Ka sa…Kulam,’ ‘Tarot,’ ‘Sapi’ at ‘Hellcome Home.’
Nakatatlong installment din siya ng longest running horror franchise na ‘Shake, Rattle and Roll.’
Ayon sa isang panayam, sinabi ni Dennis na naniniwala siya sa mga multo.
Gayunpaman, wala pa raw namang nagpaparamdam sa kanya tulad ng mga karakter na ginampanan niya sa mga nagawang horror films.
Katunayan, may nagsabi raw sa kanya noon na isang medium na sinusundan umano siya ng multo at iba pang supernatural entities na hindi pa naman niya nakaka-engkuwentro.
Naging palaisipan daw sa kanya ang babalang iyon ng nasabing medium.
Kung totoo raw na mangyayari iyon, siguro raw ay mangingilabot siya sa takot.
Naniniwala naman si Dennis na ang pinakamabisang sandata sa anumang elemento ng kasamaan ay ang panalangin at masidhing pananalig sa Diyos. (Archie Liao)