Comelec reresbakan mga guro na umatras sa BSKE

Iimbestigahan at maaaring kasuhan pa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga guro na bigla na lamang umatras sa kanilang bilang miyembro ng electoral board sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa Comelec, mahigit 2,500 na mga guro mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Abra at sa Bicol Region ang nag-backout sa kanilang duty noong araw ng eleksyon, Oktubre 30, 2023.

Kinuwestiyon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia kung bakit may ilang guro na bigla na lamang umatras na mag-duty sa mismong araw pa ng halalan.

Aminado si Garcia na hindi mandatory o sapilitan bagkus ay boluntaryo lamang ang pagsisilbi ng mga guro sa eleksiyon. Subalit kinukuwestiyon ng Comelec chief ang ilang guro na umatras sa kanilang duty sa araw pa mismo ng halalan.

“But what about those very very few who on the day of the elections, when the precincts already opened, suddenly withdrew without any notice whatsoever,” pahayag ni Garcia.

Naging kumplikado pa aniya ang sitwasyon dahil sa pagtanggi ng mga ito na i-turnover ang hawak nilang mga election paraphernalia sa kanilang mga kapalit sa hindi pa batid na dahilan.

“This must be investigated to prevent similar incidents to happen as things like this may endanger future electoral exercises,” ayon kay Garcia.

Naglabas naman ng pahayag ukol sa nasabing isyu ang Teachers Dignity Coalition at sinabing maaaring may balidong rason ang ilang guro kung bakit nag-backout sa kanilang duty.

Kaya dapat umanong alamin ng Comelec ang sitwasyon sa pag-atras ng ilang guro na magsilbi sa eleksiyon.

“The Comelec must know, on a case-by-case basis, why some teachers suddenly withdrew. We are talking about the same areas that the Comelec has traditionally placed under its control during elections. If the teachers in these areas believe that security is inadequate, then it is a failure of the government,” ayon sa pahayag ng grupo.

Subalit kung mapapatunayan naman umano na may tangka ang ilang guro na isabotahe o i-delay ang eleksiyon, na imposibleng mangyari, ay panagutin ang mga ito.

The post Comelec reresbakan mga guro na umatras sa BSKE first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Comelec reresbakan mga guro na umatras sa BSKE

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News