May naging rebelasyon si Yasmien Kurdi sa kanyang Facebook post.
Nang dahil sa wagas na pagmamahal niya sa kanyang asawa, ang piloto na si Rey Soldevilla, naisip niyang sundan ito.
Pinag-isipan daw niya noon na iwan na lang ang showbiz career niya at mag-apply na isang flight attendant sa Emirates Airlines. Nakabase ito sa Dubai at United Arab Emirates.
Nagkaroon din siya ng chance na masubukan ang ginagawa ng mga flight attendant sa loob ng eroplano.
Ang Facebook post ni Yasmien, “Alam niyo ba na muntik ko ng iwan ang career ko sa Pilipinas bilang artista para sundan si Pangga sa Dubai, UAE at mag-apply bilang flight attendant sa Emirates.
“Kaya masaya ako na ma-experience ko ‘to. Masaya ako na magkaron ng free ‘training’ with the seniors sa industry including Pangga! Ang saya sa Emirates Flight TrainingAcademy. Ang cool ng mga planes and simulators inside. Nakaka-miss ang EK at ang mga tao doon … nakakamiss ang Obaidullah building … lahat ng memories with friends.
“Sobrang good vibes lang Thanks Ms. Jen for the opportunity to be part of Emirates! Hahaha! #cabincrewtraining Batch …. charot!”
Sa isang banda, may palagay kaming may susunod na rebelasyon si Yasmien.
‘Yun ang abangan.
The post Bubuntot sa mister:Yasmien muntik iwan ang showbiz first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Bubuntot sa mister:Yasmien muntik iwan ang showbiz