Biyuda ng tineging kandidato, panalong kapitana

Nanalo bilang barangay chairwoman ang misis ng binaril at napatay na kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Barangay Bayaoas, Aguilar, Pangasinan sa katatapos na eleksyon.

Ayon kay Commission on Elections-Pangasinan (Comelec-Pang) supervisor Marino Salas, isa si Jacqueline Flormata sa mga nanalo bilang barangay chairman sa 1,364 na kandidato sa pagka-barangay chief sa buong Pangasinan at naiproklama noong Martes (November 2) ng Comelec-Pang.

Sinabi ni Salas, si Jacqueline ay naghain ng kanyang kandidatura upang humalili sa pagtakbo ng kanyang mister na si Arnel Flormata, na binaril at namatay habang nasa campaign sortie sa Barangay Bayaoas, Aguilar nitong October 22.

Sa report ng Comelec-Pang, tinalo ni Jacqueline si incumbent Barangay Bayaoas chairperson Maria Magnolia Gelido, 58, na inaresto ng mga pulis matapos itong ituro na umano’y utak sa pagpatay kay Arnel.

Samantala, si Kelly Doroy Rosario, 54, na itinuturong bumaril kay Arnel, ay natalo bilang councilor sa Barangay Dorongan Punta, Mangatarem, Pangasinan.

(Allan Bergonia)

The post Biyuda ng tineging kandidato, panalong kapitana first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Biyuda ng tineging kandidato, panalong kapitana

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News