Nagkita sa birthday party ni Vic del Rosario ng Viva Entertainment sina Aga Muhlach at Alden Richards. Sa video, makikitang nagyakapan ang dalawa at nag-usap. May ibinulong pa nga si Aga kay Alden .Pagkatapos noon, makikitang nagtawanan.
Dahil sa sighting na ‘yun kina Aga at Alden, naisip agad ng mga netizen na maganda kung pagsasamahin sila sa pelikula ng Viva Films. Nakaisip na agad sila ng story para sa dalawa .Sa role naman, puwede raw silang gumanap na magkapatid. But of course, matutupad lang ito kapag kumilos ang Viva at ang GMA Pictures.
Ang mga netizen na rin ang kumukumbinse sa Viva at GMA Pictures na ituloy na nila ang kanilang collab project with Aga and Alden. Hindi pa man nangyayari, nangako na ng suporta ang mga fan ng dalawang aktor.
Samantala, nagbigay uli ng update si Erickson Raymundo ng Cornerstone Studios , co-producer ng ‘Five Breakups and A Romance’ sa box-office result ng movie nina Alden at Julia Montes sa two weeks na showing ang pelikula.
“We are delighted to announce that our movie has surpassed 52 Million in Gross
receipts during its second week of release! Given the current state of the local film industry, this achievement truly calls for a celebration. We would like to express our heartfelt appreciation to all those who watched and recommended our film. As we enter our 3rd week of screening, we hope more people will catch and enjoy Five BreakUps and A Romance! Maraming Salamat!!!”
Tuloy pa rin ang pa-block screening ng mga fan nina Alden at Julia .Mukhang maaabot at baka sumobra pa ang 65 target numbers of block screening. Ang nabanggit na pelikula na yata ang may pinakamaraming block screenings this year.
The post Aga bumulong kay Alden first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Aga bumulong kay Alden