Umaabot sa 220 motorista na kinabibilangan ng anim na pulis at sundalo ang hinuli ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) dahil sa paglabag sa iba’t ibang traffic regulation kabilang ang paggamit ng EDSA bus lane sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Nabatid na nasa 110 motorista ang dinakip at tinekitan dahil sa pagdaan sa EDSA bus lane nitong Huwebes lamang ng umaga. Kabilang sa mga nasita ay 6 pulis, sundalo at empleyado ng gobyerno.
Aminado ang mga ito na dumaan sila sa EDSA bus lane para di maipit sa trapik.
Paalala naman ni Deputy I-ACT chief Ret. Colonel Isaias Espino na tanging mga city buses at emergency vehicles tulad ng ambulansiya, bumbero at police mobiles lamang ang pinapayagang dumaan sa EDSA bus lane.
Ang mga lumabag ay pinagbabayad ng P1,000 at pinatawan ng 5 demerit points sa kanilanng driver’s license.
Samantala, natiktikan din ang nasa 109 na mga motorista na lumabag sa mga traffic sign habang ang isa ay walang naipakitang driver’s license.
Paliwanag ng motorista nawala ang kanyang lisensiya nang magtungo siya sa sementeryo.
(Dolly Cabreza)
The post 6 pulis, sundalo dinakma sa Edsa busway first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: 6 pulis, sundalo dinakma sa Edsa busway