Nami-miss umano ng Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang politika.
Aniya, nakatanggap siya ng offer na muling tumakbo sa 2025 Election.
“They want me to go back sa pagiging congresswoman,” tsika ni Ate Vi.
Isa siya sa prominenteng showbiz personality nang pasukin niya ang politika.
Kung na-prove niyang magaling siyang actress, napatunayan din niyang mahusay siyang mambabatas.
Successful ang kanyang showbiz life nang pasukin ang political career.
Hindi naman siya nabigo sa larangan bilang public servant.
Sa ngayon ay naka-focus siya sa acting career niya.
May reunion movie sila ni Christopher de Leon ang ‘When I Met You In Tokyo’ na pasok sa Metro Manila Film Festival. (BETH GELENA)
The post Vilma sabik na sa politika first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Vilma sabik na sa politika