Melissa happy kay Rocco

Happy wife si Melissa Gohing sa kanyang asawang si Rocco Nacino. Kitang-kita naman ito sa mga Instagram posts ng dating volleyball player.

Happy mom din siya of course sa baby nila ni Rocco na si Ezren Rafaello.

Kamakailan nga lang ay sinorpresa ni Rocco ang kanyang wifey ng isang super-expensive Rolex watch bilang regalo sa kaarawan nito bilang appreciation sa lahat ng hard work nito.

Sobrang thankful din naman ni Melissa sa kanyang buhay ngayon at sey nga niya sa isa niyang post, Grateful for where I’m at, excited about where I’m going.”

Dating volleyball player si Melissa at isinakripisyo rin naman niya ang kanyang career sa sports nang magdesisyon siyang pakasalan si Rocco at maging isang simpleng maybahay na lang nito. (Vinia Vivar)

The post Melissa happy kay Rocco first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Melissa happy kay Rocco

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News