Medyo mahaba-haba ang bakasyon natin dahil sa Undas kaya asahan na ang mabagal na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at sa iba pang expressways sa Luzon.
Nitong nagdaang mga araw, maraming nang mga nagbiyahe patungo sa iba’t ibang probinsiya kasi nga naman ayaw nilang sumabay sa bisperas ng Undas dahil nga sa ayaw niyang makaranas na “carmageddon” lalo na sa NLEX gayundin sa SLEX at iba pang expressways sa Luzon.
Nagkataon kasing hindi idinekalra ang Oktubre 31 bilang holiday kaya ang karamihan ay pumasok pa at malamang diretso biyahe na pa-probinsiya. Ang iba naman ay nag-file ng kanilang vacation leave para nga naman dire-diretso na ang kanilang bakasyon.
Lunes ng gabi pa nga lang eh parang Christmas tree ang NLEX mula Balintawak Toll Plaza dahil sa tindin ng trapik. Usad-pagong ika nga dahil sa volume ng mga sasakyan ng lumalabas ng Metro Manila.
Isama o isabay mo pa diyan ang mga provincial buses at ang mga delivery at cargo trucks kaya naman bukodsa pagkain, magbabaon ka rin ng pasensiya dahil asahan nang matinding trapik sa NLEX. Mula Balintawak hanggang Meycauyan Exit, diyan pa lang eh aabutin ka ng 30 minuto.
Isa pang nagpapahaba ng trapik sa toll gates sa Balintawak Toll gate gayundi sa north bound ng Bocaue Exit ay ang cash lane. Kasi nga naman, gusto ng NLEX Management ang full implementation ng RFID eh kaso hindi inaasahan na nahihirapan din ang mga motorist na mag-load dahil una, sumasablay din ang GCash apps.
Siyempre may pagkakataon talaga na nakakalimutan ng car owners na mag-load lalong lalo na kapag nagmamadali kana. Meron namang loading stations sa mga gasoline station, kaso nakakalimutan din. Kaya ang solusyon, huwag kalimutang mag-load ng kanilang RFID bago bumiyahe sa mga expressway.
Ang hindi ko lang maintindihan sa NLEX ay kung bakit hindi sila naglalagay ng loading stations sa ilang toll exits, halimbawa sa Balintawak o sa Bocaue. Kahit two lanes lang sana para makapagpa-load ang mga nakalimutang mag-load kanilang RFID.
Kung sa Skyway nga, may loading station sila sa Buendia Entry Ramp (Northbound) eh bakit hindi magawa sa NLEX at sa iba pang expressways. Ganoon kasi ginagawa ko kapag nakalimutan ko mag-load. Malaking ginhawa ito sa mga motorista dahil hindi na sila pipila pa sa cash lane kung saan aabutin pa sila ng 30 minutes bago makalusot.
Ngayon Undas, sana magkaroon sila ng special loading stations, kahit ngayon lang dahil asaha nang marami ang majkakalimot na makapag-load ng kanilang RFID lalo na yung madalas pumapalpak ang GCash.
Sana gawin nila ito para malaking ginhawa sa motorista at maiwasang makaranas ng “carmageddon” sa mga expressway kagaya ng sa NLEX at SLEX.
The post Maglagay ng RFID loading station sa NLEX first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Maglagay ng RFID loading station sa NLEX