Daria humingi ng ayuda kay Joey

Naikuwento ni Daria Ramirez ang pinagdaanan ng kanyang relasyon sa ex husband na si Joey de Leon.

Aniya, noong nagkahiwalay raw sila ng E.A.T. host ay gumastos siya ng humigit-kumulang na isang milyon para sa annulment ng kanilang kasal ni Joey.

Natalo raw siya sa kaso subalit hindi na raw naman niya nagawang maghabol dahil wala na siyang perang gagastusin.

Clueless din daw siya kung paano sila na-annul ng ex samantalang wala raw naman siyang pinipirmahang dokumento sa pagkakaalala niya.

Gayunpaman noong ikasal daw si Joey kay Eileen Macapagal noong 2018 ay hindi na siya naghabol pa.

Dagdag pa niya, humingi rin daw siya ng sustento at lugar na matitirhan noong ma-annul ang kanilang marriage na ipinangako raw naman ng komedyanteng ibibigay.

Pero waley umanoi siyang natanggap sa aktor.

Sa naturang panayam, inamin din niya na solong naninirahan siya sa kasalukuyan.

As much as possible, ayaw rin daw niyang inaabala ang kanyang mga anak dahil may mga pamilya na rin at pinagdadaanan ang mga ito.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa ex dahil aminado siyang nagigipit at iniisip kung paano maitatawid ang pang-araw araw na pamumuhay.

“Don De Leon, baka naman, ano. Siguro naman nararamdaman mo, hindi mo lang pinapansin. Kailangan ko ng tulong mo.Baka naman maalala mo ako. Hintay lang ako,” aniya.

“Sana man lang maramdaman mo na naging bahagi din naman ako ng buhay mo. Kahit na kung ano man ang nangyari nu’ng araw, nagpatawad na naman ako sa’yo, ‘di ba?” dugtong niya.

Pati kay Eileen ay may ipinaabot din itong saloobin.

“Hindi naman ako nakikipag-away. Sana ma-realize ninyo naman na may isang tao kayong napabayaan o ayaw niyong lingunin—’wag naman,” ani Daria.

Sey pa niya, bago raw siya nagpa-interview ay ibayong pagdarasal ang ginawa niya na walang gulong mangyari.

Nagsalita lang daw siya para sa kaluwagan ng kanyang dibdib at magkaroon sila ng peace ng ex. (ARCHIE LIAO)

The post Daria humingi ng ayuda kay Joey first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Daria humingi ng ayuda kay Joey

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News

Petmalu sa BPTmgaLatvia

Binalandra ng tambalan bella Tina Graudina at Anastasija Samoilova ng Latvia sa katatagan sa kanilang pitong