Andrea bagay na ‘impakta’ kay Belle

Walang Halloween ball ang ABS-CBN this year kumpara sa GMA-7.

Gayunpaman, may huling hirit ang ilang Kapamilya stars dahil rumampa sila sa ‘Shake, Rattle and Ball’ na ini-host ng eventologist na si Tim Yap sa National Museum of National History.

Agaw-pansin ang pagdating nina Donny Pangilinan at Belle Mariano clad in their Captain Barbel at Darna costumes.

May mga lumutang tuloy na espekulasyon na diumano’y ipapasa na ni Jane de Leon ang bertud ng mahiwagang bato kay Belle ng iconic Pinay superheroine next year.

Sey naman ng kibitzers, makalaglag-panty si Donny sa kanyang superhero costume at bagay na sumunod sa yapak ni Richard Gutierrez bilang Captain Barbell.

Hindi naman nagpakabog si Andrea Brillantes na nanakot bilang Amalia sa kanyang half-Encanto at half manananggal costume.

May ideya tuloy na nabuo na bet ng kibitzers na maging kontrabida ang aktres kay Belle sa isang fantaserye .

Anila, bagay raw itong maging babaing impakta na isa sa arch nemesis ni Darna sa nasabing Mars Ravelo classic.

Sa nasabing ball, dumating din ang ilang Kapuso artists tulad nina Rhian Ramos bilang Alexandra Trese, Max Collins bilang White Lady atbpa.

Pumapel naman bilang Lilia Cuntapay ang host na si Yap. (Archie Liao)

The post Andrea bagay na ‘impakta’ kay Belle first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Andrea bagay na ‘impakta’ kay Belle

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News