West Philippine Sea nasisira sa mga Chinese militia

Pinalalakas ng National Security Council (NSC) ang monitoring at pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS) matapos matuklasang nasira na ang maritime environment at coral reef sa bahagi ng Rozul Reef at Escoda Shoal.

Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, Setyembre 18, nais ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na palakasin ang Maritime Domain Awareness sa publiko upang matutukan ang nabanggit na isyu.

Nakalulungkot aniya na wala nang buhay ang mga coral sa Rozul Reef at Escoda Shoal dahil sinira na ito ng mga Chinese maritime militia.

Batay sa ginawang survey ng Philippine Coast Guard sa lugar, wasak na wasak na ang mga coral at nag-iba ang kulay ng tubig at tila tinapunan ng mga durog na bagay na hindi nakikita sa lugar.

“At noong nagpadala tayo ng mga tao para tingnan iyong state of the environment na discolored na, parang nagkaroon ng dumping eh. Parang iyong ibang mga bagay diyan ay galing sa ibang lugar at dinadala doon. Mukha namang hindi basura, pero crushed material na hindi indigenous doon sa lugar na iyon,” dagdag ni Malaya.

Naniniwala ang NSC na kagagawan ito ng mga Chinese maritime militia batay sa presensya at kumpulan ng mga bangka ng mga ito sa West Philippine Sea.

(Aileen Taliping/Natalia Antonio)

The post West Philippine Sea nasisira sa mga Chinese militia first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   West Philippine Sea nasisira sa mga Chinese militia

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News