Rondae Hollis-Jefferson muling didribol sa TNT Tropang Giga

Ibabalik ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson para maging import sa 2nd East Asia Super League 2023-23.

Naturalized player ng Jordan si Hollis-Jefferson sa 19th FIBA World Cup 2023 sa Manila at top two sa scoring.

Sa tatlong laro sa group phase, nag-average ang 6-foot-6 forward ng 27.7 points. Tanging nasa unahan niya si Dallas Mavericks superstar Luka Doncic na nagsumite ng 35.5 points sa dalawang laro.

Nalimitahan sa 19 markers si Doncic mula 5 of 17 shooting sa 92-77 win ng Slovenia kontra Cape Verde noong Miyerkoles sa Okinawa.

Binitbit ni Hollis-Jefferson ang Tropang Giga sa kampeonato ng PBA Governors Cup noong April, sinipa sa trono ang Ginebra sa anim na laro.

Si Quincy Miller ang itatambal ng TNT kay RHJ sa EASL na didribol sa Oct. 11-Mar.

Import ng Converge si 6-10 Miller sa Commissioner’s Cup noong nakaraang season, naihatid ang FiberXers hanggang quarterfinals bago winalis ng San Miguel Beermen sa best-of-five series.

Hindi na kailangang kumuha ng release papers ni Miller sa Converge para makasama sa TNT dahil sa EASL naman maglalaro at hindi sa PBA. (Vladi Eduarte)

The post Rondae Hollis-Jefferson muling didribol sa TNT Tropang Giga first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Rondae Hollis-Jefferson muling didribol sa TNT Tropang Giga

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News