Inanunsyo kamakailan ni Maiqui Pineda, fiancée ni Robi Domingo ang kanyang sakit na dermatomyositis, isang rare autoimmune disease na lubos na ikinalungkot ng tv host.
“So, we talked about it, because of her condition, I was the one who told her na baka pwede nating i-delay ng kaunti ‘yung kasal. Medyo iniisip namin ‘yung health niya, eh. Siya ‘yung nagsabi na don’t give me something to hope for. Naiyak ako nu’ng sinabi n’ya ‘yun. Sinabi ko sa kanya na lalaban tayo, lalaban tayo.”
Kinamusta namin ang kalagayan ng kanyang fiancée ngayon?
“She’s getting better, long way to go mas malayo doon sa image na nakikita ko sa kanya noong nasa hospital bed sya. Actually she can walk properly,” pakli ni Robi.
Ano ang naging sentiment ni Robi sa kalagayan ni Maiqui?
“Of course ang dami kong questions, especially about my faith, noh, Bakit siya? Bakit ngayon pa? Bakit sa dinami-dami ng tao kami pa ‘yung naapektuhan? But we have to cling on to those kind of faith and also just looking at her and her progress, ‘yun ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, lumalaban siya ,eh.”
Paano niya sinuportahan ang fiancée sa sitwasyon na ‘yun?
“I go with her sa hospital, I fix her HMOs, right now since she is focus sa health nya.Ako ‘yung nagha-handle ng lahat ng mga bagay. Kaya medyo nakaka-pressure at nakaka-stress ‘yung mga details na iba ,” aniya.
Kailan nakaplanong ituloy ang kasal nila?
“The wedding will happen sa takdang panahon.”
Pero napapag-usapan na ba nila kung anong klaseng kasal ang magaganap?
“The theme will be very very close to our heart which is Filipino. Parang Filipiniana theme, parang ganun kasi mahilig sya sa culture natin, eh.”
Nasabi rin ni Robi na mas iyakin siyang tao kaysa sa fiancée n’ya. Ano ‘yung sitwasyon na nag-breakdown na siya sa nangyari?
“Yung talagang naiyak ako, recently during my contract signing sa ABS-CBN and it happened the day before noong sinabi ng doctor sa amin na it’s gonna long and expensive fight. During the pre- diagnostic period, iniisip ko na agad, kung ano ang mangyari after the wedding. Siyempre ‘yung marriage, andami naming plans, and then we gonna be in the hospital? Lahat ng plans mapupunta sa medicines? So, naalarma at natakot ako sa puwedeng mangyari. I think it’s natural pero, thinking about it, it gives me strength and hope na, okay we have to work on these thing,” lahad niya.
“Yung commitment ko naman sa kanya is not just out of words pero I show it na whatever happens hindi pa man tayo nagpapakasal, in sickness and in health, I will be for you and with you,” mensahe pa ni Robi kay Maiqui .(ALLAN SANCON)
The post Robi ‘di uurong sa kasal first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Robi ‘di uurong sa kasal