Nakatakdang magtaas ng higit dalawang piso ang mga produktong petrolyo ngayong Martes, September 19.
Sa hiwalay na abiso ng mga kompanya ng langis, nabatid na magkakaroon ng taas-presyo na P2 kada litro sa gasolina habang P2.50 naman ang dagdag sa krudo.
May taas-presyo rin sa kerosene na P2 kada litro.
Epektibo ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula alas-sais ng umaga ngayong Martes maliban sa Caltex na ipatutupad ang price hike ng alas-12:01 ng hatinggabi habang alas-kuwatro ng hapon naman ang Cleanfuel.
Ito na ang ika-11 linggo na magkakaroon ng taas-presyo sa krudo at kerosene habang ika-10 linggo naman para sa gasolina.
The post P2 taas-presyo sa gasolina, krudo P2.50 first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: P2 taas-presyo sa gasolina, krudo P2.50