Makabayan bloc dismayado sa bagal ng libreng Wi-Fi

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Makabayan bloc sa Kongreso dahil sa mabagal na paggamit ng pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kaya hanggang ngayon ay hindi pa umano napapakinabangan ng publiko ang mga nakalinya nitong proyekto tulad ng libreng Wi-Fi.

Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na hindi katanggap-tanggap na 6% lamang ng P14 bilyong pondo na nakalaan sa DICT ang nagamit na nito ngayong taon.

Ayon kay Brosas, sinasabi ng DICT na nasa 43% ang kanilang utilization rate subalit ito ay ibinatay lamang nila sa pondong natanggap na mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ipinaliwanag ni Brosas na hindi naglalabas ng pondo ang DBM sa DICT dahil hindi naman ito humihingi. Kailangan aniya magsumite ng report ang DICT kada quarter kung nagamit na ang pondo para muling makahingi sa DBM.

“Naka-cash disbursement daw sila, `yun `yung kanilang reasoning eh. Pero hindi po dapat ganun,” giit ni Brosas.

Mayroong P9.7 bilyong pondo ang DICT sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) at may natirang P4.733 bilyon noong 2022 na pinayagang gamitin ngayong taon.

Dahil sa mababang utilization rate, sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na hindi pa rin napapakinabangan ng publiko ang mga proyekto ng DICT gaya ng libreng Wi-Fi.

Ilang taon na aniya mula ng maisabatas ang Free Internet Access in Public Places Act subalit hanggang ngayon ay limitado pa rin ang mga lugar na mayroon nito. (Billy Begas)

The post Makabayan bloc dismayado sa bagal ng libreng Wi-Fi first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Makabayan bloc dismayado sa bagal ng libreng Wi-Fi

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News