Kris hinihiwalayan na naman si Mark

May bagong pasabog si Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Nag-post siya ng sunod-sunod sa kanyang Instagram story.

May pahiwatig ito na parang gusto na talagang tigilan ang romantic relationship na meron sila ni Vice Governor Mark Leviste.

Base sa message ni Kris kay Mark, para bang ‘out of sight, out of mind’ ang nangyayari sa female tv host kapag hindi na sila magkasama.

Pero si Mark, walang-duda na matiyaga at pursigido talaga sa relasyon nila.

Ayon dito, “Marc, aren’t you tired of the unanswered messages? It took me 2 weeks & a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you. Whatever is going on in my life or in yours, parang nawala na the desire for me to know you or for me to keep you informed.

“I haven’t been influenced by anyone—it’s just that I’ve fallen back to my pattern of reading a new book every 2-3 days, reading NYT, and the magazines I like, and coping with the hardships my body must endure. I want to remain polite but this is really what happens when we are so far from each other—people really do grow apart. Thank you for keeping in touch but I’d really prefer if you don’t. It’s really a lot more peaceful now. And that’s always been my prayer. Serenity and peace.”

Madaling sabihin na sa message na ipinadala ni Kris kay Mark , tila nakikipag-break ito . Ayaw na magpatuloy na makipag-communicate sa kanya ang rumored boyfriend.

Putol naman ang ibinahagi lang ni Kris na reply sa kanya ni Mark. Sa nai-post, nasabi lang nito na, “I don’t know exactly how to respond to your message, but in my heart and in my head, I…”

Sinundan pa ni Kris ang IG story niya ng isang mahabang paliwanag sa kung ano na ang nangyayari sa health niya, at sey pa rin niya, “Was I asking for too much when I asked for our relationship to stay private? Mahirap ang pinagdadaanan ko—I don’t wish this on anybody.”

Bahagi pa rin ng message ni Kris ay kung gaano raw kasakit ang epekto sa kanya ng chemotherapy medication . Ito’y para ma-treat ang 3 life threatening autoimmune disorders niya.

Lahad niya, “I’ve barely slept since then because sobrang sakit ng buong katawan hanggang sa buto na mismo. I try not to cry in front of kuya and Bimb but I couldn’t stop my tears.”

Kaya bilib na bilib daw siya sa mga naga-undergo ng chemotherapy. Sa mga naka-graduate naman na, inspirasyon daw niya ang mga ito.

At sa huli, may paliwanag pa rin siya sa naging post tungkol kay Mark.

Aniya, “Pasensya na po, I’ve been so careful about staying ‘private.’ I never posted details, ang problema, nagising ako sa katotohanan na kung talagang minahal ako, at alam na sumuko na ko sa LDR, bakit hindi kinayang ibigay ‘yung katahimikan na kailangan ko for my emotional wellness, lessened anxiety, and my chance for a peaceful healing journey?

The post Kris hinihiwalayan na naman si Mark first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Kris hinihiwalayan na naman si Mark

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News