John Alcala, Satar Salem bakbakan sa Dapitan 5150

Aasinta si John Alcala ng isa pang glorya sa triathlon, gigiyahan ang mga

Matitinik na sasawata sa kanya sa pangatlong titulo ng endurance racing sa 5150 Dapitan na sasambulat sa Sept. 10 sa Zamboanga Del Norte.

Ginimbal ng tubong Digos City ang malakas na international cast sa 1st

IRONMAN 70.3 Puerto Princesa sa huling bahagi noong isang taon at pagkaraan bumida rin sa 5150 Subic nitong June, na labis na nagpaliyamado sa kanya para sa pangkalahatang korona ng Olympic-distance race sa 1.5-kilometer swim, 40km bike, 10km run.

Pero habang si Alcala ang tinurong dapat talunin, maraming hinog na mga kumakampanya ang magsasadya rin sa blue-ribbon event na gigil din sa karangalan.

Kabilang sina 2022 Bohol 5150 winner Satar Salem, Andrew Remolino, Jailani Lamama, Jonathan Pagaura, Jorry Ycong, SEA Games gold medalist Fernando Casares at iba pa.

Na tumitiyak sa sa dikdikang girian para sa primerang karangalan sa unang triathlon sa Dapitan City na pagkakaabalan ni Mayor Seth Jalosjos, tumitiyak sa memorableng karanasan sa kerera ng interantional field, kabilang ang sa Go for Gold Sunrise Sprint.

Isang sub-category ng 5150 triathlon series, ang short-distance triathlon series, na kilala ring S2, ito ay 750m open-water swim, 20km bike ride, 5km run.

Haharurot ang S2 ng Sept. 9 kasabay ng Noli 3K Fun Run, ayon sa nag-organisang The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. Sa kaganapan na mga pinapadrinuhan ng Lungsod ng Dapitan, Go for Gold, Active, Rudy Project, Santé, Manila Bulletin at Tempo.

Magsusubi ang men’s at women’s 5150 Dapitan winners ng tig-P175K habang sa Go for Gold Sunrise Sprint ay may P75K each. May relay event na paglalabanan ng 16 teams.

Para sa mga detalye pa at pagpaparehistro, mag-log on sa www.ironman.com/5150-dapitan-philippines-register.

Registration

Nakataya pa ang mga age-group title sa15-19, 20-24, 25-29, 30-34, 35-39, 40-44, 45-49, 50-54, 55-59, 60-64 at 65-69 sa men’s and women’s divisions.

Haharurot sa Go for Gold Sunrise Sprint sina Matthew Hermosa, Lawrence Uy, Kian Manabat, Cedric Mascariñas, Renz Corbin at John Lalimos (men’s) at Raven Alcoseba, Nicole Del Rosario, Sophia Belican, Julie Jaylo, Sherr Daniot at Karen Manayon. (Abante TONITE Sports)

The post John Alcala, Satar Salem bakbakan sa Dapitan 5150 first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   John Alcala, Satar Salem bakbakan sa Dapitan 5150

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News