EJ Obiena nalagot ratsada sa WDL Zurich leg, nangulelat

NAPUTOL ang 11 sunod na pagwawagi ng medalya ni 2020+1Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena nang pumang-10 o mangulelat sa Wanda Diamond League Zurich eg sa Letzigrund Stadium sa Switzerland nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Kakagaling lang ng 27-anyos na atleta ng Philippine Athletics Track and Field Association na suportado ng Philippine Sports Commission sa 19th World Athletics Championships 2023 silver medal sa Budapest noong Aug. 26 na rito.y nag-personal best siya ng 6.0-meter.

Pumoste lang si Oviena ng 5.60m. Sinubukan ang 5.75 at 5.85, pero sumalto ang reigning World Athletics No. 2.

Gaya ng inaasahan si WA No. 1 Armand Duplantis ng host country ang naka-ginto sa 6.0, silver si Sam Kendricks ng USA sa 5.95 at ang kababayang si KC Lightfoot ang nag-bronze sa 5.85.

Sabak din si Obiena sa Brussels leg sa Belgium sa Sept. 8 bago mag-Hangzhou 19th Asian Games sa Sept. 23-Oct. 8.
Ito ang unang salto sa podium ng unang Pinoy na 33rd Summer Olympic Games 2024 qualifier sa nakalipas na 12 torneo ngayong taon. (Lito Oredo)

The post EJ Obiena nalagot ratsada sa WDL Zurich leg, nangulelat first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   EJ Obiena nalagot ratsada sa WDL Zurich leg, nangulelat

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News