TULUYANG nakamit ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang responsibilidad na maging flag bearer ng bansa nang kilalanin kasama si skateboarder Margielyn Didal para sa delegasyon ng bansa sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Sept. 23-Oct. 8.
Ginawa ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang anunsyo Lunes sa sendoff para sa delegasyon sa harapan ng mga pambansang atleta na sasabak sa 37 sports sa 40 paglalabanan na kabuuang 40 sa kada apat na taong paligsahan.
Una nang nadismaya si Obiena nana alisin sa kanya ang pagiging flag bearer noong 2021 Tokyo Olympics dahil sa Covid-19 regulations. Pinalitan siya noon ni boxer Eumir Felix Marcial.
Kapwa wala sina Obiena at Didal sa event na ginanap sa PICC sa Pasay at dinaluhan din nina Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann, Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo at Sen. Bong Go.
Ang pahayag ay ilang oras lang matapos sungkitin ni Obiena ang pilak na medalya sa Prefontaine Classic sa Eugene, Oregon na isang Diamond League event.
Kamakailan ay nanalo si Obiena ng unang silver medal ng bansa sa 19th World Athletics Championships at ginto sa Asian Athletics Championships.
Si Didal naman ay isa sa apat na nagwagi ng ginto Asiad sa Palembang-Jakarta, Indonesia noong 2018.
(Lito Oredo)
The post EJ Obiena, Margielyn Didal irarampa watawat ng ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: EJ Obiena, Margielyn Didal irarampa watawat ng ‘Pinas