Sa ibabaw ni Andre ‘Dodong’ Villegas, pasiklab si Vavavoom sa lahat para pamayagpagan ang PSA (Philippine Sportswriters Association) Cup Race nitong Linggo sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.
Dinomina ng apat na taong-gulang na kabayo na alaga ni Ruben Tupaz at pag-aari ni sportsman-businessman Sandy Javier ang mga karibal sa pagladlad ng liksi at bilis sa 1.4-kilometer race sa tiyempong 1:25.8-minute (14-22-22-26).
Sumegunda si Lucky Lea na sinakyan ni Dan Camanero, tersera ang nirendahan ni CP Henson na si Biglang buhos at pumang-apat si Denueis Son sa paghinete ni JA Guce.
“Hindi na ako masyado na-surprise kasi lahat ng prestigious races naipanalo ko,” bulalas ni Tupas, maraming ulit nang naging trainer of the year awardee.
Ang kinita ng karera ay para sa kawanggawang mga programa ng PSA sa pamumuno ni Philippine Star sports editor Nelson Beltran.
“This annual benefit race is for the PSA and we’re here to partner with the sportswriting community and support their advocacies,” sey naman ni Philracom(Philippine Racing Commission) chairman Reli De Leon.
Kasama ni De Leon sa awarding ceremony sina Philracom acting executive director Ronaldo Corpuz at MMCTI racing manager Rondy Prado.
(Abante TONITE Sports)
The post Dodong Villegas, Vavavoom dinomina PSA Cup Race first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Dodong Villegas, Vavavoom dinomina PSA Cup Race