Clyde Mondilla dodominahin ang mga karibal sa balwarte

Ginugol ni Clyde Mondilla ang huling 10 linggo sa bahay at hindi sa course, atat at masayang sinalubong ang pangalawang anak, walang preparasyon patungo sa pagpapatuloy ng 14th Philippine Golf Tour 2023, na ang ika-13 yugto noong Hunyo kumbinsido niyang pinamayagpagan sa Forest Hills.

Inabandona rin niya ang unang planong sumabak sa 11th Asian Development Tour habang PGT break, pero bumalik sa pormang pagpalo tatlong linggo bago mag-ICTSI Del Monte Championship, na sisiklab sa Martes (Sept. 5) sa Del Monte Golf Club sa Manolo Fortich, Bukidnon.

“Hindi na ko nagIaro sa abroad habang break. Inuna ko ang pamilya ko kasi pinanganak ang pangalawa ko noong July,” lahad niya. “Umuwi lang ako ng Bukidnon tatlong linggo bago ang tournament para mag-practice dahil ‘di nga ako naglaro sa anumang tournament.”

Marami sa kabuuan ng 59 na player ang nasa competititive play para sa P2.5M championship pagkapahingang matagal ng Tour. Naghanda, nagpakondisyon ang marami para sa misyong manalo sa PGT.

Kabilang dito sina leg winners Ira Alido (Bacolod), Rupert Zaragosa (Iloilo), Tony Lascuña (Caliraya Springs), Jhonnel Ababa (Villamor) at Reymon Jaraula (Valley), kasama si back-to-back The Country Club Invitational champion Guido Van Der Valk.

Kalahok din si Justin Quiban, na two-time winner sa PGT at PGT Asia, na kakapalo lang sa 28th Asian Tour, kabilang ang International Series at sa ADT.

Papaanghangin nina dating PGT leg titlists Michael Bibat, Zanieboy Gialon, Jay Bayron at legend at hometown favorite Francisco ‘Frankie’ Miñoza ang 72-hole championship na handog ng International Container Terminal Services, Inc., suportado ng Kampfortis Golf at inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

Walang magsasadya nga lang sa kaganapan na kasing kumpiyansa ni Mondilla, na gaya ni Miñoza, sobrang kapado ang mapunong kahoy at nasa ibabaw ng bundok na layout, pero ‘di naman niya iniismol ang mga karibal na matatalento aniya.

“Siyempre, andun po yung familiarity sa layout ng course since dito po ako natutong mag-golf. Pero ‘di ko din masabi na 100 percent confident ako pagdating sa tournament kasi iba ang feeling ng practice at tournament play,” hirit ni Mondilla. Pero pipilitin kong maging maganda ang laro ko. Handa ako at gigigil akong manalo uli ang motibasyon ko.”

Hahambalos din sina Gerald Rosales, Jerson Balasabas, Dino Villanueva, Marvin Dumandan, Anthony Fernando, Albin Engino, Enrico Gallardo, Mars Pucay and Ferdie Aunzo, mga batang sina Gabriel Manotoc, Josh Jorge, Kristoffer Arevalo, Jonas Magcalayo, Leandro Bagtas, Elee Bisera at Ivan Monsalve. (Ramil Cruz)

The post Clyde Mondilla dodominahin ang mga karibal sa balwarte first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Clyde Mondilla dodominahin ang mga karibal sa balwarte

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News