Beauty pinusuan sa buwis-buhay pose

Pinusuan ng mga netizen at kapwa-celeb ang buwis-buhay na pose ni Beauty Gonzales sa puno ng buko.

Makikita kasi sa larawan na nakahiga sa buko tree si Beauty at isang pagkakamali lang niya ay puwede siyang malaglag at madisgrasya.

Pero in fairness, ang ganda naman talaga ng shot at seksing seksi ang aktres in her floral two-piece bikini.

Simpleng caption niya sa larawan, “wish you were here.”

May mga kalalakihang nagkomento na sana sila na lang daw ang puno.

Anyway, after the successful run of her comedy-action series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” with Sen. Bong Revilla sa GMA-7, busy naman ngayon si Beauty sa ginagawang Metro Manila Film Festival horror flick na “(K)ampon” with Derek Ramsay under Quantum Films. (Vinia Vivar)

The post Beauty pinusuan sa buwis-buhay pose first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Beauty pinusuan sa buwis-buhay pose

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News