Inayunan ni Barbie Forteza ang sinabi ng boyfriend na si Jak Roberto kamakailan sa isang panayam na wala silang pakialaman sa career.
Hindi nila pinagbabawalan ang isa’t isa na makipag-kissing scene sa mga nakakapareha.
“Because naging magkarelasyon kami na parehas na kaming may pinapangalagaang image and reputation, so naging malinaw sa amin na pagdating sa karera, walang pakialamanan. Pagdating sa trabaho, walang pakialamanan,” sey ni Barbie sa grand mediacon ng “Maging Sino Ka Man,” ang bagong serye nila ni David Licauco sa Kapuso network.
Patuloy niya, alam daw niya kung ano ang gusto niyang career path at hindi niya kailangan ng boyfriend na magsasabi sa kanya ng dapat gawin.
“Ako, I know what I want, alam ko kung ano’ng career path ang gusto ko, so alam ko kung ano’ng dapat kong gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung anon’g dapat kong gawin,” aniya.
Bilang isang strong, independent woman, natanong din ang aktres kung ano ang maipapayo niya sa ibang mga magkarelasyon na nasa long-term relationship. Paano nila nama-manage ni Jak to stay together kahit pareho silang career-driven?
“Basta dapat ‘yung partner n’yo ay tinutulungan kayong mag-grow into a better person. Dapat ‘yung partner n’yo will serve more as an inspiration more than destruction, ‘di ba?
“Mas pinapasaya ka kaysa ini-stress ka . Mas tinutulungan kang i-improve ang sarili mo like hindi ka kinakahon or hindi ka pinipigilang gawin kung ano ‘yung gusto mo,” she said.
Sa panahon ngayon ay ayaw na raw ng mga kababaihan na kinokontrol ng kanilang partner.
“Ayaw na natin ng sinasabihan tayo kung ano’ng dapat gawin. Alam na natin ‘yon,” aniya.
Isa raw sa malaking factor kung bakit nagtatagal sila ni Jak ay nagsusuportahan sila at may tiwala sa isa’t isa .Kabilang na nga sa sinusuportahan ng BF ay ang loveteam nila ni David.
Samantala, ang “Maging Sino Ka Man” ay remake ng Sharon Cuneta-Robin Padilla hit movie noong 90s .Masayang masaya ang BarDa na sa kanila ipinagkatiwala ng GMA-7 ang napakalaking proyektong ito.
Mula sa direksyon ni Enzo Williams, magsisimula na ang “Maging Sino Ka Man” sa September 11, 8pm on GMA Telebabad and at 9:40pm on GTV. Kasama rin dito sina Juancho Trivino, Faith da Silva, Mikoy Morales, Rain Matienzo, ER Ejercito, Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, Antonio Aquitania and Jean Garcia.
The post Barbie ayaw padikta sa dyowa first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Barbie ayaw padikta sa dyowa