Umabot na sa 233 katao ang nasawi dahil sa leptospirosis mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2023, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Sa kabuuan ay nasa 2,168 na ang naitalang kaso ng mga tinamaan ng leptospirosis sa nasabing mga buwan. Ito’y 52 porsiyentong pagtaas mula sa 1,423 kaso na naitala sa parehong panahon noong 2022.
Inihayag pa ng DOH na tumaas din ng 1.97 porsiyento ang incidence rate ng leptospirosis sa kada 100,000 populasyon mula sa 1.29 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Mas malaki ang bilang ng mga nasawi ngayong taon na naitala sa 233 katao kumpara sa 201 noong Enero hanggang Hulyo 2023, ayon sa DOH.
Sa Central Luzon umano maraming kaso ng leptospirosis na umabot ng 328; Cagayan Valley (283); National Capital Region (248); Davao Region (205); Central Visayas (157); Bicol Region (123); Calabarzon (120); tig-155 kaso sa Zamboanga Peninsula at Caraga; Central Luzon (89); North Mindanao (84); Mimaropa (77); Cordillera Administrative Region (74); Eastern Visayas (60); Cagayan Valley (54); Soccsksargen (32); at apat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kadalasang may mga nagkakasakit sanhi ng leptospirosis kapag panahon ng tag-ulan kung saan nagkakaroon ng mga pagbaha.
The post 233 natodas sa leptospirosis – DOH first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: 233 natodas sa leptospirosis