Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang contestant ng RamPanalo nang mag-shout out ito sa noontime show ng ABS-CBN.
Very casual na nag-shout out ang contestant para sa kanyang asawa or rather kanyang kabit.
Ani ng contestant: “Shoutout sa asawa ko… ay sa kabit ko, sorry,” wika ng contestant.
Agad siyang pinagsabihan ni Vice, “Uy, no. Hindi natin sina-shoutout ’yon. That’s very wrong. Okay. Hindi pinagmamalaki ’yan ate,” pagbabawal ng TV host.
May binulong ang contestant kay Vice.
“[…] Kahit na, hindi… hindi maganda ’yung salitang ’yon, lalo na sa tanghali. Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa. Babu!” pagpapatuloy niya.
“Sorry, sorry Meme Vice,” pahayag naman ng.contestant.
“Yes. We don’t normalize and romanticize that,” wika pa ng Unkabogable Phenomenal Superstar.
Sadyang nag-iingat lang ang host sa mga binibitawang salita sa programa dahil magmula nun sa insidenteng cake at napatawag siya ng MTRCB ay nag-iingat na rin sila.
Na-trauma nga raw siya sa cake kaya hindi na raw siya kumakain nito kundi pancake na lang.
The post Vice sinita ang contestant first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Vice sinita ang contestant