Tin Ubaldo, FEU Lady Tams sinuwag LPU Lady Pirates

TEAM STANDINGS

WOMEN’S W L

FEU 4 0

UE 4 0

CSB 2 0

UPHSD 2 1

EC 1 2

MU 1 2

LPU 0 4

SSC-R 0 4

MEN’S W L

ADMU 3 0

UST 3 1

NU 2 1

DLSU 2 1

UPHSD 2 2

FEU 1 2

SBU 0 3

EAC 0 4

Mga laro sa Biyernes

(Paco Arena-Manila)

10 am – SBU vs NU (M)

12 nn – ADMU vs DLSU (M)

2 pm – MU vs SSC-R (W)

4 pm – EC vs CSB (W)

Nanalasa sina Tin Ubaldo at Gerzel Mary Petallo para panatilihing malinis ang karta ng Far Eastern Univeristy, umalpas laban sa Lyceum of the Philippines University, 25-17, 25-16, 23-25, 25-19, sa 2nd V-League Collegiate Challenge 2023 women’s division eliminations Miyerkoles ng gabi sa Paco Arena sa Manila.

Tumikada ang piniling best player of the game na si playmaker Ubaldo ng 16 excellent sets na ginawang 54 attack points ng Lady Tamaraws tungo sa pang-apat na panalo sa gayung daming sabak, samantalang may mahalagang 13 points si Petallo.

Dominado ng Morayta-based squad ang unang dalawang set, pero dehins nasustena sa third upang makahirit ang Lady Pirates na inaalat pa rin sa 0-4 sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

“Kasi nung third set, more on ako naman kasi was trying yung mga second stringer. So para sa ‘kin, good job pa rin naman pinakita nila,” suma ni FEU interim coach Manolo Refugia. “Kami naman, hindi nag-look forward na kailangan ganito. Kung ano ‘yung nasa harap namin, ‘yun yung kailangan naming trabahuhin.”

Akbayan pa rin s tuktok ang Lady Tams at University of the East sa torneong mga suportado ng Bola.TV, Beyond Active Wear, Asics at Mikasa. Ineere ang mga laro ng Solar Sports, V-League’s official website (pvl.ph) at Bola.TV app.

Sa men’s division, sumakmal si Josh Ybañes ng 19 markers upang walisin ng University of Santo Tomas Growling Tigers (3-1) ang Emilio Aguinaldo College Generals (0-4), 25-18, 25-19, 25-19.

Wagi rin ang FEU Tamaraws (1-2) sa University of Perpetual Help System DALTA Altas (2-2), 25-22, 23-25, 25-16, 25-16.

(Elech Dawa)

The post Tin Ubaldo, FEU Lady Tams sinuwag LPU Lady Pirates first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Tin Ubaldo, FEU Lady Tams sinuwag LPU Lady Pirates

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News