Opisyal nang nagsimula ang Lungsod ng Taguig noong Huwebes, Agosto 31 ng pagpapamahagi ng birthday cash gift sa mahigit 270 senior citizen na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Agosto mula sa 10 barangay ng Embo na nasa pangangalaga nito.
Sa ilalim ng programang ito, tumatanggap ang mga senior citizen ng lungsod ng cash gift na nagkakahalaga mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang edad:
Nasa P3,000 para sa mga may edad na 60-69, P4,000 para sa mga 70-79 anyos; P5,000
sa mga may edad na 80-89, at P10,000 para sa mga may edad na 90-99.
Kapag sila ay umabot na ng edad na 100, bibigyan sila ng P100,000 at patuloy nilang tatanggapin ang parehong halaga taun-taon hanggang sila ay nabubuhay.
Si Mayor Lani Cayetano mismo ang nag-abot ng cash gift sa mga senior citizen na naroroon sa kickoff ceremony sa Barangay Pembo. Ang iba naman ay tumanggap ng kanilang cash gift sa kanilang mga tahanan na dinala mismo ng mga barangay workers ng Taguig.
Si Guillermo Perez Jr., 72 taong gulang mula sa Barangay South Cembo, ay nagpahayag ng pasasalamat sa Lungsod ng Taguig para sa cash gift at house-to-house distribution.
“Napakaganda po na dinadala niyo sa amin sa bahay ang aming cash gift. Maraming salamat po,” sabi ni Perez habang tinanggap ang kanyang P4,000 na cash gift noong Huwebes.
Para kay Adela Miranda, 86 taong gulang mula sa Barangay Post Proper Southside, ito ang unang pagkakataon niyang tumanggap ng cash gift para sa kanyang kaarawan.
“Maraming salamat po at ngayon may natanggap na ako sa aking kaarawan. Ibibili ko po ito ng bigas at pang-ulam namin,” masayang sinabi ni Miranda sa mga tauhan ng barangay na nag-abot sa kanya ng P5,000 na cash gift.
Kahit pa nahirapan ang lungsod sa pagkuhang database ng mga senior citizen, nagawang matukoy ng Taguig ang unang listahan ng 271 na senior citizen sa tulong ng mga lider ng komunidad sa mga Embo barangay. Ito ay naverify gamit ang listahan ng mga benepisyaryo ng social pension mula sa nasabing barangay.
Bukod dito, nagbukas din ang Taguig ng isang one-stop shop volunteer center sa Sampaguita Street sa Barangay Pembo kung saan ang mga hindi kasama sa unang listahan ng benepisyaryong senior citizen ay maaaring pumunta para mai-lista at ma-verify para sa kanilang birthday cash gift.
The post Taguig LGU namudmod ng pa-birthday sa higit 270 senior citizen first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Taguig LGU namudmod ng pa-birthday sa higit 270 senior citizen