Dahil sa patuloy na pag-ulan pinalawig ng Malacañang ang suspensiyon ng pasok sa paaralan sa lahat ng antas, pati na sa mga tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) ngayong Biyernes, Setyembre 1, 2023.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular no. 30 ng Malacañang, suspendido ang pasok sa mga opisina ng gobyerno ngayong Biyernes, pati na sa lahat ng paaralan sa Metro Manila pampubliko man o pribado, mula elementarya, high school at kolehiyo dahil sa epekto ng habagat at mga bagyong Goring at Hanna na parehong nagdudulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar sa NCR.
Hindi kasama sa suspensiyon ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno na naghahatid ng mga agarang serbisyo katulad ng mga ospital, search and rescue, pati na rin ang mga bumbero at pulis.
Ipinaubaya naman sa mga pribadong kompanya at tanggapan ang pagpapasya kung isusupinde rin ang pasok ng kanilang mga empleyado ngayong Biyernes.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang memorandum circular. (Aileen Taliping/Prince Golez)
The post September 1 walang klase, trabaho sa NCR – Malacañang first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: September 1 walang klase, trabaho sa NCR