Ryan binida ang dyowa

Trending si Ryan Bang sa Twitter or X nitong Martes, August 29. Ang dahilan, ang naging announcement niya sa ‘It’s Showtime.’

Official na inanunsyo ni Ryan sa madlang Pipol na siya ay may girlfriend na.

Nakatutuwa si Ryan dahil kitang-kita kung gaano siya kasaya at emosyonal sa pagkakaroon ng girlfriend. Parang akala mo, nanalo ng award.

Ang una raw niyang tinawagan at sinabihan ay ang nanay-nanayan na si Vice Ganda. At ang huli rin ang nagbigay ng hudyat sa IS na may official siyang announcement.

“Siyempre, gusto kong sabihin sa harap ng aking Showtime family. Sa mommy, daddy, kuya ko, ate ko, kayo— Tiyang, may girlfriend na ‘ko!”

Dahil dito, nagtalunan ang lahat ng host ng ‘It’s Showtime’ at yumakap kay Ryan.

Kuwento pa ni Vice, nang makausap daw niya si Ryan noong Lunes ,sobrang saya raw nito at naiiyak pa.

Sabi naman ni Ryan, “Siyempre, gusto ko na ikaw ang unang makakaalam. Sobra kong saya kasi, ang tagal kong naging single.

“Thank you sa support niyo sa pag-ibig ko. Mahal na mahal ko kayo, siyempre.”

At nag-wish si Vice na sana raw, forever na kung sino man ang girlfriend ni Ryan.

Masaya naman ang mga netizen na may girlfriend na si Ryan. Kahit na pahulaan pa kung Pinay o hindi ang jowa nito.

The post Ryan binida ang dyowa first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Ryan binida ang dyowa

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News