Rider sumemplang, todas sa basang daan

TODAS ang isang motorcycle rider matapos sumemplang dahil sa basang kalsada sa kahabaan ng Barangay Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Sta. Barbara Police Station (SBPS) ang biktima na si Fortunato Alano, 54, ng Poblacion Norte, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, ayon sa SBPS, nangyari ang insidente alas-8:42 ng gabi.

Ayon sa pulisya, tinatahak umano ng biktima ang kalsada nang bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela dahil sa basa ang kalsada dulot ng ulan.

Dahil dito, humampas ang Yamaha Mio ng biktima sa concrete cement at nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan.

Agad na dinala sa Mapandan Community Hospital ngunit siya ay dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Rider sumemplang, todas sa basang daan first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Rider sumemplang, todas sa basang daan

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News