May bagong patakaran ang Philippine Basketball Association hinggil sa draft prospects na ipapatupad ngayong 2023.
Ayon nitong Martes kay commissioner Willie Marcial, very welcoming ang uniform rule na inaprubahan ng Board noong May, ang pag-aalis sa age limit na 30 years old sa Fil-foreign players.
Sa halip, kahit local o Fil-foreign, eligible nang magpa-draft sa edad 22 pataas o at least 19 pero nakakumpleto ng dalawang taon sa college.
Sa Sept. 10, 5 pm, ang deadline ng submission ng applications sa PBA office sa Libis, Quezon City.
Ang draft order sa first round: Terrafirma, Blackwater, Rain or Shine, Rain or Shine (mula Phoenix), NorthPort, Phoenix (mula NLEX), NLEX (mula Converge), Meralco, Converge (mula Blackwater at TNT, Converge (mula Magnolia), NorthPort (mula Ginebra) at Terrafirma (mula SMB).
Walang picks sa first round ang SMB, Ginebra, Magnolia at TNT. (Vladi Eduarte)
The post PBA ibinaba ang taon para sa mga aplikante ng draft first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: PBA ibinaba ang taon para sa mga aplikante ng draft