Nicol Canlas sinungkit ang ginto sa HK U-17 fencing

Isa sa siyam kuminang si Nicol Amethyst Canlas para sa University of the East/Canlas Fencing team na kinatawan ang ‘Pinas sa All-Star Hong Kong Under-17 Fencing Championships 2023 sa Kowloon International Bay and Exhibition Center sa HK nitong Aug. 24-27.

Tumagpas siya ng medalyang ginto sa 14 na iniuwi ng kampo mula sa apat na araw na torneong inorganisa ng HK Fencing School. Isa siya sa siyam individual gold medalist at tanging nag-gold sa tatlong bagito sa koponan. Ang dalawa pa ay nakapilak at nakatanso.

Dinaig ni UE grade 7 Canlas sa under-12 women’s individual sabre finals si teammate Elise Acuzar, 15-8. May silver pa siya sa under-12 mixed team at bronze sa U14 girl’s sabre team.

“It’s always a proud moment every time we get a medal. We’re just happy to win medals for our country, for the school and for our respective families,” sey ni Canlas, na ang mga utol na sina Nina at Matteo ay mga fencer din.

Mga anak sila ni dating national coach Rolando Canlas Jr.

Naka-gold din sina Louis Shoemaker (U17 men’s individual foil), Sophia Santiago U17 women’s indivdual sabre), Christine Morales (U10 girl’s individual foil), Aly Villacin (U8 mixed sabre) at iba pa.

The post Nicol Canlas sinungkit ang ginto sa HK U-17 fencing first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Nicol Canlas sinungkit ang ginto sa HK U-17 fencing

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News