Pumanaw na ang beteranong broadcaster journalist na si Mike Enriquez ngayong Martes, August 29 sa edad na 71 taong gulang.
Ang malungkot na balita ay inanunsyo ni Mel Tiangco sa “24 Oras”.
Hindi napigilan ni Mel ang mapaluha sa simula pa lamang ng kanyang pagbabalita ng pagpanaw ni Mike na mahigit dalawang dekada nating nakasama gabi-gabi sa “24 Oras.”
Binigyan ng mahabang tribute at pagpupugay si Mike sa nasabing news program na nagsimula nang pumasok siya sa industriya noong 1969 hanggang sa maging bahagi ng GMA Network.
Narito ang statement ng GMA Network sa pagpanaw ni Mike:
“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel “Mike” C. Enriquez who peacefully joined our Creator on August 29, 2023.
“Enriquez, 71, was one of the anchors of GMA’s flagship newscast “24 Oras” and hosted the long-running public affairs program, “Imbestigador.”
“He also served as President of RGMA Network, Inc. and GMA Network’s Senior Vice President and Consultant for Radio Operations. He also anchored DZBB’s “Super Balita sa Umaga” and “Saksi sa Dobol B.”
“He joined the broadcast industry in 1969 and then became part of GMA Network in 1995, wholeheartedly serving the Filipino audience for 54 years.
“The Board of Directors, management, and employees of GMA Network, Inc deeply mourn the passing of Mr. Enriquez. His dedication to the industry will serve as an inspiration to all. We pray for the eternal repose of our beloved Kapuso.”
Naulila ni Mike ang kanyang asawang si Lizabeth “Baby” Yumping.
Matatandaang noong Dec. 13, 2021 ay nag-medical leave si Mike sa kanyang trabaho sa GMA-7 para sumailalim sa isang medical procedure.
Noong March, 2022 ay inamin ni Mike sa isang virtual mediacon na sumailalim siya sa isang bypass operation in 2018 at kidney transplant in December, 2021. (Vinia Vivar)
The post Mike Enriquez pumanaw na first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Mike Enriquez pumanaw na