Natatawa sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega nang tanungin namin kung level-up na ba ang relasyon nilang dalawa. Ano na ang estado nila?
Mahigit apat na taon rin silang nagkasama sa GMA-7’s ‘Voltes V: Legacy’ kaya siguro naman, malaki na ang nai-level-up ng relasyon nila.
“Katulad pa rin siguro ng dati,” nangingiting sagot ni Miguel. “Malalaman niyo naman ‘yon. Siguro, ia-announce rin ni Tita,” natawang sabi niya.
Ang Tita na tinutukoy ni Miguel ay ang mommy ni Ysabel, ang dating actress na si Michelle Ortega.
Pero sa diretsong tanong kung ‘mag-kaibigan’ o ‘mag-jowa’ na ba sila, sinagot naman ito ni Miguel na, “Definitely, hindi pa po kami magdyowa.”
Gayunpaman, mararamdaman ang pagmamalaki ng dalawa dahil ang relasyon na nabuo raw nila ay nabibigyan ng suporta ang isa’t-isa at hindi destructive.
Lahad ni Miguel, “Actually, we’re both growing together. Lalo na ngayon, si Ysabel may tinatayo siyang business. Ako, nag-aaral ako ng Film. So, I’m happy na nakikita namin ang isa’t-isa na mag-grow. So ‘yung relationship namin, nakikita namin na hindi siya nagiging hindrance para pigilan namin ang isa’t-isa.
“May mga relationship kasi na nagi-stop ‘yung growth mo. Kunwari, kung clingy ‘yung isang tao, nagre-require siya ng so much attention, so much time. Parang nawawalan ka ng time na mag-grow ang career mo at mag-build ka kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay.
“So I’m very happy na sa relationship namin ni Ysabel, we’re pushing each other na mas gumanda ang buhay at mag-grow ang career.”
At ngayon nga raw, hindi na lang ang showbiz life nila ang napu-push, pati ang personal nilang buhay.
Agree rin naman si Ysabel sa sinabi ni Miguel dahil sa more than four years daw na pagsasama nila, sobrang nagbago raw ang relationship nilang dalawa.
Although after ng Voltes V: Legacy, mapapanood pa rin sila sa kanilang GMA Film na ‘Fire Fly.’
Naniniwala si Ysabel na hindi naman mag-end ang meron sila ni Miguel sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang primetime series . Hindi na nila makakalimutan na naging Steve Armstrong at Jamie Robinson sila. (Rose Garcia)
The post Miguel, Ysabel hindi pa raw magdyowa first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Miguel, Ysabel hindi pa raw magdyowa