Manny vs Hidilyn sa GOAT athlete

Binunyag Miyerkoles ni Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang masidhing hangarin ni eight-time world men’s pro boxing champ Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao – ang katawanin ang bansa at umasinta ng medalyang ginto sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

Kung ano ang personal na dahilan ng ating Pambansang Kamao ay siya lang ang nakakaalam.

Pero sa pananaw ng TP, maaring asinta niya na maging GOAT (Greatest of All Time) Pinoy athlete o Best Athlete of the Century – sa professional at amateur man.

Hindi pa nagbibigay ng mga ganyang karangalan ang Philippine Sportswriters Association. Pero puwedeng ikonsidera na iyan ng PSA board at general membership sa 2024 – ang taon din ng isang siglong paglahok natin sa Olympics.

Marahil may nababasa o naririnig na si Pacman, gaya nang nasabi minsan ni six-time world bowling champion Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno. Na kung siya ang tatanungin sa ngayon kung sino ang PH GOAT, tinuro niya si 2020+1 Tokyo Olympics women’s weightlifting 55kg gold medalist Hidiliyn Diaz.

Abangan po natin ang mga susunod na kabanata.

***

Pahabol: Belated happy 18th birthday kay Maristhela Santos ng Sucat, Parañaque na nagdiwang nitong August 26 sa Tramway Bayview Buffet Restaurant sa Pasay. Pagbati mula sa iyong mga magulang na sina Graciano ‘Totoy’ at Thelma Santos, at mga ninong na sina Pablo Cay, Ramoncito ‘Chito’ Domingo, Leonardo ‘Leo’ Villafania at TP.

Gayundin kay Madel Algabre ng Gen. Santos City na nag-celebrate naman noong Aug. 24.

God bless po!

The post Manny vs Hidilyn sa GOAT athlete first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Manny vs Hidilyn sa GOAT athlete

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News