Type makatrabaho ni Lyca Gairanod sa isang acting project ang iniidolong singer-actress na si Sarah Geronimo.
Isa sa purpose ni Lyca kaya sumali noon sa 1st Season ng ‘The Voice Kids’ ay para rin maging artista.
Aniya sa isang panayam, “Siyempre super importante nun sa life and lahat ng journey na pinagdaanan ko since sumali ako ng The Voice. So isa rin ‘yung nag-motivate na mas tuparin ko pa kung ano pa ‘yung gusto ko, gawin ko pa kung ano ‘yung pangarap ko talaga.
“So hindi talaga siya nawawala sa akin kasi inspirasyon at motivation ko po siya. Naku, hindi (ako nahihiya). Iba iba man tayo ng pinanggalingan pero ako, kung saan ako nanggaling, proud po ako doon,” dagdag pa ng singer.
Ibig daw niyang i-push ang kanyang acting ability.
Para raw magkaroon siya ng opportunity na makatrabaho ang Popstar Royalty.
“Ayun nga ang gusto ko, kahit maging kapatid niya lang ako dun sa movie niya, ganun. Basta makatrabaho ko lang siya . Si ate Sarah kahit saan siya, comedy, drama, lahat naman nagagawa niya. Sana masabayan ko siya,” hirit pa ni Lyca.
The post Lyca type sabayan si Sarah first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Lyca type sabayan si Sarah