Lovi gamit na ang Blencowe sa IG

Mababasa na sa DP o Display Picture ng Instagram account ni Lovi Poe ang “Love Poe Blencowe”.

Sa pangalan na ito na siya makikilala pagkatapos ng kasal nila ni Monty Blencome. Ang comment nga, bagay kay Lovi ang kanyang bagong pangalan .

Dalawang rings na rin ang makikitang suot-suot ni Lovi. Sabi ng mga netizen, ang may malaking bato ang engagement ring at ‘yung isa ay singsing sa kasal.

Pinag-uusapan din ang wedding gown ni Lovi dahil sa halip na design ng mga banyagang designer, mas pinili nito ang wedding gown na design ng Filipina designer na si Patricia Santos.

Sa credits ng Metro , mababasa na ang suot na shoes ni Lovi ay mula sa Valentino at ang lockets na suot ay mula sa in-endorse niyang Imono. Sa mga nagtanong kung sino ang hairsylist ni Lovi, ang nakasulat na pangalan ay Elle Bondoc at make up by Robbie Pinera.

May pinost si Lovi na nasa loob sila ng car .Pinansin ang suot na dalawang rings ni Lovi, ang wristwatch ng husband niya at ang kotse nilang Rolls Royce. May mga walang magawa nga na pabirong pine-presyuhan ang dalawang singsing ni Lovi, ang relos ni Monty at ang Rolls Royce. (NITZ MIRALLES)

The post Lovi gamit na ang Blencowe sa IG first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   Lovi gamit na ang Blencowe sa IG

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News