Pinasilip ni Kim Chiu sa kanyang Instagram reels ang collection niya ng mga sneakers.
Aba, talaga namang kahit sino, mapapa-“wow” sa rami at siyempre, halos lahat ay branded.
Ilan sa mga comment tuloy ng mga netizen, “This is like a museum of sneakers. Such an eye candy.”
“Wow sana all po ate. Size 8 po ako.”
“Baka pwede makahingi ng shoes mo.”
Nag-reply si Kim sa comment na , “Bakit lahat ng suot ni Kim, ang ganda-ganda niya dalhin? At bakit lagi siyang mukhang bata and jolly? Kainggit! Ako man siya, lagi ko talagang ibi-video ang sarili ko. Ganda-ganda e. Bait pa!”
Pakli ni Kim, “Natawa ko sa lagi ko ivivideo sarili ko. Thank you po.”
Ang totoo, bongga si Kim sa mga reels at post niya .Napapasilip niya talaga ang mga ganap niya at kahit mga personal niyang gamit, hindi siya madamot. (Rose Garcia)
The post Kim nang-inggit first appeared on Abante Tonite.
Keep on reading: Kim nang-inggit