KC nagkulong sa kwarto nang malaman ang Sharon-Gabby concert

Inamin ni KC Concepcion na nagkulong siya sa kwarto at hindi makausap nang malaman niyang magkakaroon ng reunion concert ang kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

“Nun’g unang-una kong narinig, oh my God, nagkulong ako! Nagkulong talaga ako sa kwarto ko. Hindi ako nagpakita. Hindi ako matawagan ng kahit sino,” rebelasyon ni KC sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

When asked why, aniya, “hindi ko maintindihan ‘yung napi-feel ko nu’n. Kasi parang ‘ano?’ Biglang okay na tayong lahat, all this time, parang hindi tayo nagsasama sa isang place, hindi tayo pwedeng magkasabay sa isang event. Kasi syempre, sensitive topic. Siguro. Kasi nga, sa history nila. Tapos biglang parang isang gano’n lang, magko-concert.”

Hindi raw niya alam kung mae-excite ba siya or maiiyak ba siya.

“It’s a show for other people, but it’s real life for me. It’s entertainment, show siya para sa lahat pero totoong buhay ko ‘to,” paliwanag pa niya.

Pero aminado rin naman ang dalaga na excited din siya at naihanda na raw niya ang sarili sa anumang magaganap sa concert kabilang na nga ang posibilidad na baka magkaroon siya ng partisipasyon.

“Kaya nagde-detox na nga ngayon,” natatawa niyang sabi. “Para pagdating ko sa stage if ever man na isali nila ako dyan, sobrang memorable siya,” aniya.

Inamin din niyang matagal na niyang pangarap na makita ang mommy at daddy niya na kahit hindi na maging magkaibigan pero basta’t magkasundo at nakangiti sa isa’t isa.

“And hopefully, ‘yun ‘yung mangyari sa concert,” sey pa niya.

Maging ang partner daw ni Gabby ngayon ay excited na rin sa Sharon-Gabby reunion.

“Mas excited pa ‘yung tita ko, ‘yung asawa ng Papa ko, sobrang excited niya,” she said.

Ikinuwento na nga raw sa kanya ang script ng concert at ang dami pa rin daw niyang nalaman tungkol sa kanyang buhay.

Pero sa tingin daw niya ay may participation daw siya sa concert kaya naman pinaghahandaan na raw niya talaga.

The post KC nagkulong sa kwarto nang malaman ang Sharon-Gabby concert first appeared on Abante Tonite.

 

Keep on reading:   KC nagkulong sa kwarto nang malaman ang Sharon-Gabby concert

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Latest from News>Tabloid PH News